Add parallel Print Page Options

10 At(A) sila'y iyong ginawang isang kaharian at mga pari para sa aming Diyos;
    at sila'y maghahari sa ibabaw ng lupa.”

11 Nakita(B) ko at narinig ang tinig ng maraming mga anghel sa palibot ng trono at ng mga nilalang na buháy at ng matatanda; at ang bilang nila ay milyun-milyon at libu-libo,

12 na nagsasabi ng may malakas na tinig,

“Ang Kordero na pinaslang ay karapat-dapat
tumanggap ng kapangyarihan, kayamanan, karunungan, kalakasan, karangalan, kaluwalhatian, at kapurihan.”

Read full chapter